HOW MUCH DO YOU LOVE YOUR WIFE?

Home / happy wife happy life / HOW MUCH DO YOU LOVE YOUR WIFE?

HOW MUCH DO YOU LOVE YOUR WIFE?

Mahal na mahal mo ba ang asawa mo?
Siya lang ba ang pinakamagandang babae para sayo?
Nag i-isang prinsesa ba siya sa buhay mo?

Naaalala mo pa ba nung nililigawan mo pa lang ang asawa mo? Naaalala mo ba kung gaano ka kasigasig na nanligaw sa kanya? Naaalala mo yung mga pangakong binitawan mo nung di pa kayo kasal?

I can still remember noong na love at first sound ako. Why? I met my wife when she was singing sa church, got fascinated with her angelic voice. Napalingon ako at napatanong, “Who is she?” From then on the rest is history, hindi ko na siya tinantanan hanggat di kami ang nagkatuluyan. Lahat ay gagawin para makuha ang kanyang atensyon at masungkit ang kanyang matamis na oo.

Ngayon tatanungin kita, anong pinagbago nung dati sa ngayon? Nung girlfriend mo pa lang siya compare sa ngayong asawa mo na siya? Mas naging sweet ka ba o medyo naging matamlay ang inyong relasyon? Mas pinapakita mo ba sa kanya ang kanyang importansya o madalas ay nababalewala mo na siya? Gaano mo ba kamahal ang asawa mo? Mas lalo mo ba siyang mahal sa punto ng inyong relasyon ngayon? Mahal na mahal na mahal mo ba siya? O mahal na mahal lang? O mahal lang?

Hindi maiiwasan na may mga pagkakataon na parang feeling mo nababawsan ang love na nararamdaman mo para sa asawa mo. Normal lang yun. But one thing you and I need to understand ay ang pagmamahal naman kasi ay hindi basta FEELINGS lamang. Ang pagmamahal ay isang DESISYON na kailangan mong gawin. Araw araw. Dapat ay magkaroon ka ng conscious effort to bring back the love. You should decide to love your wife no matter what.

So paano mo nga ba mapapadama sa asawa mo na mahal mo siya?
SPEND QUALITY TIME WITH YOUR WIFE

Sa 24 hours na meron ka sa isang araw, ilang oras dun ang na-spend mo para sa asawa mo? Baka naman puro trabaho, gimik, o computer games ang inaatupag mo. Di masamang magkaroon ka ng time sa ibang bagay, pero di din naman masama yung magkaroon ka ng time para sa asawa mo.

Kelan mo ba siya huling na-date? Kelan kayo huling nagkaroon ng heart to heart talk?

Spend some time with her para naman ma-feel niya that you value her and that you love her.
SPEAK TO YOUR WIFE POSITIVELY

Sa mga nasabi mo sa asawa mo these past few days, may compliment ba siyang narinig mula sayo? O baka naman puro pag-criticize ang ginawa mo?

Kelan mo huling nasabi kung gaano siya kaganda? Kelan mo huling nasabi na mahal mo siya?

You may be a man of few words, but few positive words to uplift your wife’s heart won’t hurt.
STICK WITH YOUR WIFE THROUGH UPS AND DOWNS

Your wife may be have “bad hair days” pero diba sa vow mo ay sinabi mo na through thick and thin ay andyan ka para sa kanya? So dapat hindi lang sa mga times na good mood siya or pag successful siya ikaw handang maging asawa niya. Dapat kahit bad mood siya or kahit nag-fail siya ay mag-stick ka by her side. Be with her. Your wife needs you most sa worst times niya.

You may not feel that your wife loves you, but it doesn’t mean that you should stop showing that you love her. Hindi mo mako-kontrol ang asawa mo pero mako-kontrol mo ang sarili mo. So focus on what you can do.

Try applying these simple and practical tips and I can assure you it will bring great returns.
THINK. REFLECT. APPLY.
Do you spend quality time with your wife?
Do you say affirming words to your wife?
Do you stick with your wife no matter what season she’s in?
‪#‎ilovemywife‬ ‪#‎chinkeetan‬ ‪#‎happywifehappylife‬‪#‎topmotivationalspeakerinthephilippines‬

Recent Posts