Palitan Mo Nga Yang Damit Mo!

Home / happy wife happy life / Palitan Mo Nga Yang Damit Mo!

Palitan Mo Nga Yang Damit Mo!

Are there moments when you have the urge to tell your spouse to change his or her shirt?
Nababaduyan ka ba sa porma niya?
Gusto mo bang i-improve ang kanyang sense of fashion?

Aminin man natin o hindi, may puntos ang pananamit ng ating kabiyak. Plus points kung maayos o presentable siya. Minus points naman kung hindi. At dun sa mga pagkakataon na pabawas ng pabawas ang puntos nila ay gusto na natin silang sigawan na magpalit ng damit, o magpalit ng porma, o ayusin ang kanila itsura. Pero sa vow na binitawan mo nung kasal ninyo, kasama dun ang pangakong “for better or worse”. Kaya dapat tanggap mo siya kahit na hindi ka masyadong nasisiyahan sa nakikita mo.

“Pero, Chinkee, ang unfair naman. Ako nga nag aayos para sa kanya, pero siya di man lang mag-effort?”

You can’t change your spouse’s taste in fashion kung ipapamukha mo sa kanya that he or she is being unfair to you by dressing up the way he or she does. Besides, di naman kayo magkakumpetensya. You are a team. So kung di mo type ang fashion sense ng asawa mo, I suggest you do these things:

AFFIRM YOUR SPOUSE
Whether you’re in the mood or not and whether your spouse deserves it or not, give your spouse words of affirmation. If you can’t affirm your spouse with the way he or she dresses, then shift your focus. Masipag ba siya? Mabango? Malambing? Maalaga? Nagpo-provide? Nagspe-spend ng time with you? Ano man ang makita mong positive about your spouse, ipaalam mo sa kanya na napupuna mo yun, na naa-appreciate mo yun.

And maybe, because of the positive things na naririnig niya mula sayo ay mag strive siya to be better. Maghahanap siya sa kung saang aspeto pa siya pwedeng mag improve.

And maybe, dahil damang damang niya ang pagmamahal mo, siya na mismo ang mag i-initiate na magtanong sayo kung ano pa ba ang pwede niyang ma-improve sa kanyang sarili.

LOVE YOUR SPOUSE UNCONDITIONALLY
Pag gising mo sa umaga at nakita mo ang asawa mo, may choice kang i-spend ang araw na yun na mahalin mo ang asawa mo despite of everything or pwede mong piliin na hindi siya mahalin sa araw na yun. But that’s your call. Ang pagmamahal naman kasi ay choice.

Pero hindi na dapat natin nilalagyan ng kondisyon ang pagmamahal. Imagine kung magde-decide ka every day to love your spouse kahit na naghihilik siya o kaya naman ay nawala niya yung paborito mong relo o kahit na di siya matutong magluto kahit anong gawin niya o kaya naman ay may hindi siya natupad na pangako sayo. Loving your spouse unconditionally is the best gift you can give to him or her. Alam ko na hindi madali yun that’s why you need to ask God for grace para magawa mo yun.

Your spouse’s appearance may have power to win your heart, but God’s grace is enough to make you decide to love your spouse no matter what.

THINK. REFLECT. APPLY.

Kung di mo gusto ang pananamit ng asawa mo or appearance niya, do these things: Affirm your spouse and love your spouse unconditionally.

Recent Posts